Talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong SONA, tumagal ng 48 minuto

Inquirer photo – RTVM video

Tumagal ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng 48 minuto.

Kapansin-pansin din sa naging talumpati ng pangulo na wala ito halong pagmumura.

Hindi rin nakakitaan ng mahahabang impromptu speeches ang SONA speech kung saan kilala si Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, binasa ni Pangulong Duterte ang kanyang nakahandang talumpati na siyang nagsasaad ng nagawa ng kanyang administrasyon.

Bahagi din ng talumpati ng pangulo ang paglatag ng mga planong kaniya pang gagawin sa natitirang termino nito sa pwesto.

Hindi naman naiwasan ng pangulo ang pagsingit ng ilang adlibs sa kanyang naging ulat sa bayan.

Nakatanggap ng 34 beses na palakpakan ang naging talumpati ni Pangulong Duterte.

Read more...