Pangulong Duterte, nanindigan na hindi isinusuko ng Pilipinas ang karapatan nito sa WPS

Inquirer photo – RTVM video

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi isinusuko ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.

Sa kanyang SONA, sinabi ni Duterte na ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China ay hindi nangangahulugang sumuko na ito sa pagprotekta sa sovereign rights ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.

Iginiit ng Pangulo na dapat idaan sa bilateral at multilateral negotiations ang usapin.

Aniya, positibo ang idudulot ng open line communcation ng Pilipinas at China.

Read more...