Alvarez, umupo bilang House Speaker sa 3rd SONA ni Duterte sa kabila ng panunumpa ni Arroyo

Inquirer photo – RTVM Screengrab

Umupo bilang House Speaker si Pantaleon Alvarez sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng una nang naging panunumpa ni dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Sa botong 186 ng mga kongresista ay kanilang pinatalsik sa puwesto si Alvarez at inilulok na man si Arroyo bilang bagong lider ng Kamara.

Nagkaroon ng pag-uusap si Pangulong Duterte kay Alvarez kasunod na rin ng pagpapalit ng liderato ng mababang kapulungan ilang minuto bago ang nakatakdang SONA.

Matapos nito ay si Alvarez ang umupo bilang Speaker sa pagsisimula ng SONA ng pangulo.

Read more...