Dating CJ Sereno, dumalo sa anti-Duterte rally sa Commonwealth Ave.

Kuha ni Jong Manlapaz

Dumalo si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa anti-Duterte rally harap ng St. Peter’s Parsih sa Commonwealth Ave. sa Quezon City.

Dumating sa nasabing pagtitipon si Sereno bago pa mag-alas kwatro ng hapon bago ang nakatakdang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Inaasahan na magsasalita si Sereno patungkol sa Charter Change.

Pagkadating ni Sereno sa lugar ay dinala ng mga organizers si Sereno sa VIP holding area.

Matatandaang napatalsik si Sereno matapos paburan ng mayorya ng mga mahistrado ng Supreme Court ang inihaing quo warranto petition sa Solicitor General Jose Calida.

Matapos nito ay naghain ng apela si Sereno para mabaliktad ang una nang naging desisyon ngunit pinagtibay ng SC ang naging unang desisyon nito na patalsikin si Sereno bilang Chief Justice.

Read more...