Tanggap na ng Malacañang na hindi na malalagdaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ang Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, isang temporary setback sa administrasyon ni Duterte ang hindi pagratipika ng Kamara sa BOL.
Nakadidismaya ayon kay Roque lalo’t ang BOL ang magsisilbi sanang pundasyon para sa totoo at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao region.
Bagaman bahagyang naantala ang BOL, umaasa pa rin ang palasyo na lalagdaan ng Pangulo ang BOL oras na maratpikihan na ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Dahil walang BOL, sinabi ni Roque na malaki ang mabago sa SONA mamaya ng Pangulo. Kinakailangan kasi na burahin sa speech ang usapin sa BOL.
Sinabi pa ni Roque na ang BOL sana ang isa sa mga pinakamalaking iuulat ng Pangulo sa taumbayan.