Subscribers sa palibot ng Batasan Complex mawawalan ng signal sa kasagsagan ng SONA ni Pang. Duterte

Makararanas ng pagkawala ng signal ang mga subscriber na nasa palibot ng Batasan Complex sa loob ng apat na oras bago mag-umpisa hanggang sa matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inatasan kasi ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga network provider na Convergence, Smart, Globe, at Digitel na putulin ang kanilang network services sa paligid ng Batasan Complex mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi mamaya bilang bahagi ng seguridad.

Sa liham ng NTC sa mga network provider, sinabi nito na ang network cut off ay hiling ng Presidential Security Group.

Bilang pagtalima, nag-abiso na ang kumpanyang Globe sa kanilang customers na hindi sila makapag-text, makakatawag o magagagamit ng data, sa nasabing mga oras.

Ayon sa Globe partikular na apektado ang mga subscriber na nasa Batasan Complex, Commonwealth, at Culiat sa Quezon City.

Read more...