Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 585 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.
Napanatili ng bagyo ang lakas nitong 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilagaya sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Kahit nasa labas na ng bansa, patuloy na pag-iibayuhin ng bagyo ang Habagat na magpapaulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan, at sa Western Visayas.
Ang Metro Manila naman, nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas lang ng minsanang pag-ulan.
Samantala, ang Low Pressure Area na nasa labas ng bansa ay huling namataan sa 1,495 kilometers east ng Central Luzon at magiging isang ganap na bagyo sa susunod na 1 hanggang 2 araw.