Bicameral conference committee report sa Bangsamoro Organic Law, naratipikahan na sa senado

Kuha ni Jan Escosio

Makalibas ang ilang buwang deliberasyon, niratipikahan na sa senado ang bicameral conference committee report kaugnay sa Bangsamoro Organic Law.

Ginawa ang ratipikasyon ilang oras bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isusumite na lang ang BOL kay Pangulong Rodrigo Duterte para ganap na malagdaan.

Ang BOL na dating Bangsamoro Basic Law ang magiging daan para makabuo ng bagong rehiyon na tatawaging Bangsamoro Armm o BARMM.

Sasakupin ng bagong rehiyon ang mga sakop na lugar ng ARMM.

Read more...