Sa survey ng Pulse Asia, nanguna ang pagsugpo sa ilegal na droga sa 15 mga isyu na sa tingin ng mga Filipino ay maitituring na pinakamahalagang achievement ng administrasyon.
Sa nasabing survey, 69 percent ng mga Filipino ang nagsabi na importanteng achievement ni Pangulong Duterte ang pagsugpo sa ilegal na droga, 50 percent ang nangsabi na ang paglaban sa krimen, 30 percent ang nagsabi na ang pagtaas ng sweldo ng mga pulis at sundalo, 28 percent naman ang pumili sa paglaban sa korapsyon at panglima ang libreng tuition sa public universities and colleges na nakakuha ng 21 percent.
Kasama din sa mga nabanggit na achievement ng pangulo ang paglikha ng mas maraming trabaho, pagbabalik ng tiwala ng publiko sa gobyerno, mas maayos na lagay ng ekonomiya, 5-year driver’s license validity at iba pa.
June 15 hanggang 21 din nang gawin ang naturang survey, at inilabas ngayong araw para sa SONA ng pangulo.