Yellow rainfall warning nakataas pa rin sa Batangas

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Batangas dahil sa nararanasang malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 10:00 ng umaga, yellow warning level ang umiiral sa nasabing lalawigan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagbaha.

Samantala, light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang umiiral sa Zambales, Bataan, Cavite at Laguna na tatagal sa susunod na tatlong oras.

Ang lalawigan ng Quezon naman ay uulanin din ng mahina hanggang sa katamtaman sa susunod na dalawang oras.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang ala 1:00 ng hapon.

Read more...