“Out Alvarez Plot” sa kamara hingi pakikialaman ng Malakanyang

Hindi makikialam ang Malakanyang sa mga bali-balitang patatalsikin sa pwesto si House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na internal na usapin sa kamara ang isyu hinggil sa liderato.

Dahil dito, wala aniyang plano ang Malakanyang na ito ay panghimasukan.

“Malinaw po na ang liderato ng kamara ay isang internal na bagay para sa Kamara De Representante at hindi po nanghihimasok ang Malakanyang dyan,” ani Roque.

Ilang sources sa kamara ang nagsabi na may mga pag-uusap nang naganap pa patalsikin sa pwesto si Alvarez.

Sinabi ng source na si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang napipisil na kapalit na house speaker.

Read more...