Pagdarausan ng programa ng mga raliyista sa Commonwealth Ave., maagang ininspeksyon ng NCRPO

Kuha ni Jong Manlapaz

Maagang nagsagawa ng inspeksyon si National Capital Region Police Office Dir. Guillermo Eleazar sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Partikular na ininspeksyon ang pwesto ng entablado na gagamitin ng mga militante sa kanilang programa mamaya.

Ayon kay Eleazar, inaasahan na mamayang tanghali ay magmamartsa na ang mga raliyista sa Commonwealth Avenue.

Alas 3:00 ng hapon naman inaasahang uumpisahan nila ang kanilang programa.

Sinabi ni Eleazar na base sa kasunduan, mula sa assembly area ay hindi magdadala ng sasakyan ang mga raliyista at maglalakad lamang sila hanggang sa lugar kung saan sila magsasagawa ng aktibidad.

Read more...