Nakataas na alarma sa Marikina River inalis na

Inalis na ang umiiral na alert warning sa Marikina River.

Ito ay makaraang unti-unti nang bumaba ang antas ng tubig sa ilog.

Sa update mula sa Marikina City Rescue, 14.3 meters na lamang ang water level sa Marikina River kaninang alas 4:00 ng madaling araw.

Wala na ring mga lugar o lansangan sa lungsod na lubog sa baha.

Dahil dito inaasahang ngayong araw ay maari nang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan ang daan-daang pamilyang inilikas.

 

Read more...