Naitala ang apat na may kalakasang pagyanig sa Sarangani, Davao Occidental sa buong magdamag.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang unang pagyanig na may lakas na magnitude 3.8 alas-12:54 ng madaling araw.
May lalim itong 14 na kilometro at hindi naman nagdulot ng aftershocks at pinsala.
Alas-2:19 naman ng maitala ang magnitude 4.5 na lindol na may lalim na 33 kilometro.
Hindi rin ito nagdulot ng pinsala at nakapagtala aftershocks.
Naitala naman ang pinakamalakas kaninang alas-2:28 sa magnitude 5.1.
Namataan ang episentro ng lindol sa layong 120 kilometro Kanluran ng Sarangani.
May lalim itong 33 kilometro at inaasahan pa ang aftershocks.
Samantala, alas-2:44 naman ng maitala ang magnitude 3.0 na lindol na may lalim na 17 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lahat ng pagyanig sa naturang lugar.