Mga miyembro ng oposisyon nag-alay ng misa para sa bayan

Dumalo sa isang Misa na pinangunahan ng isang grupo ng mga layko ang mga miyembro ng oposisyon.

Ang misa ay isinagawa ng Purple Cross Movement sa pamumuno ni dating Education Sec. Armin Luistro sa Holy Sacrifice Parish sa University of the Philippines – Diliman.

Kabilang sa mga dumalong personalidad sa Misa ay sina Vice President Leni Robredo, mga senador na sina Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV, Bam Aquino, dating peace panel chief Teresita Deles at dating Human Rights Chief Etta Rosales.

Ayon kay VP Robredo sa mga nangyayari sa bansa ay dapat lamang na magkaisa ang lahat at maglaan ng oras upang idulog sa DIyos ang mga panalangin para sa ikabubuti ng bayan.

Sinabi ng bise presidente na bukod sa gawa ay kailangan din ng bayan na magtiwala sa Diyos.

Si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang punong tagapagdiwang sa misa kung saan kanyang binatikos ang planong pagpapalit ng sistema ng pamahalaan tungong federalismo.

Naniniwala ang obispo na hindi solusyon ang pederalismo sa mga problema ng bansa kundi ang pagtupad sa mga pangako.

Samantala, namataan din sa misa si Sr. Patricia Fox na nitong nakaraang linggo lamang ay binabaan ng deportation oder ng Bureau of Immigration.

Ang misang ito ay isinagawa isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...