Idineklarang maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang kanyang nakatakdang ikatlong State of the Nation Address ngayong araw.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sumailalim sa ‘routine checkup’ ang pangulo Linggo ng gabi.
Naganap ang check-up bago ang kanyang rehearsal para sa SONA.
Ayon pa kay Roque, umabot ng halos isa’t kalahating oras ang checkup at idineklara namang maayos ang lagay ng presidente.
Matatandaang makailang beses nagreklamo ng pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan ang pangulo dahil sa umano’y Buerger’s diseas at Barrett’s esophagus na nakakaapekto umano sa kanyang lalamunan.
Sinabi rin ng pangulo na sa kasagsagan ng kanyang flight mula sa Seoul, Korea noong nakaraang buwan ay nagsuka diya dahil sa migraine.