285 pamilya iniliikas sa Olongapo City dahil sa pagbaha

Chris Serapio

Dahil sa 10 talampakang baha na naranasan sa 16 na barangay sa Olongapo City ay inilikas na ang mga residente dito.

Ayon kay City Public Affairs Officer Anthony Bayarong, 285 pamilya o 1,346 ang kanilang inilikas dahil sa pagbaha.

Samantala, ayon kay Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Officer Angie Layug, nakaranas ng pagguho ng lupa sa Barangay Mabayuhan kung saan dalawang bahay ang natabunan.

Maswerte namang nailigtas ang mga residente sa nasabing mga natabunang bahay, ngunit habang ginagamot ang isa sa mga biktima ay binawian ito ng buhay.

Bagaman patuloy ang paggalaw ng bagyong Josie papalabas ng bansa ay nakararanas pa rin ng pag-ulan ang Olongapo City na dulot naman ng hanging habagat.

Patuloy ang pagbabantay ng mga lokal na opisyal sa sitwasyon sa lungsod.

Read more...