Sang-ayon ang Palasyo ng Malacañang sa sentimyento ng karamihan sa mg Filipino tungkol sa kahalagahan ng pagbabalik sa Pilipinas ng kontrol sa mga islang inookupa ng China sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 87 percent ng mga Filipino ang nagsabing mahalagang maibalik sa Pilipinas ang kontrol sa mga inookupang isla ng China.
Gayunman ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isasagawa ng gobyerno ang paggiit sa karapatan nito sa pamamagitan ng dayalogo.
Sinabi ng kalihim na ipagpapatuloy ang friendly dialogue sa China sa pamamagitan ng bilateral consultation mechanism (BCM) para maresolba ang mga isyu sa West Philippine Sea.
Kaiba aniya ito sa naging confrontational approach ng nagdaang aministrasyon na lalo pang nagresulta sa militarisasyon sa mga isla.