Patuloy ang mga pag-ulang dala ng Habagat na hinahatak ng Bagyong Josie.
Bunsod nito, sa 1:00AM advisory ng PAGASA, itinaas ang red warning level sa Bataan at Southern Zambales.
Seryoso ang banta ng baha at ipinapayo ang paglikas sa mga flood prone areas sa naturang mga lugar.
Nakataas naman ang orange warning level sa Pampanga, Cavite at Batangas.
Mapanganib pa rin ang banta ng pagbaha sa mga nabanggit na lalawigan.
Habang yellow warning naman ang nakataas sa Metro Manila, Bulacan, nalalabing bahagi ng Zambales.
Posible rin ang pagbaha sa mga mabababang bahagi ng mga naturang lugar ayon sa PAGASA.
Samantala, nakararanas ngayon ng mahihina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Laguna, Rizal, Quezon, Tarlac at Nueva Ecija maaaring tumagal ng tatlong oras.
Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management councils na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon at antabayanan ang susunod na advisory ng PAGASA mamayang alas-4 ng umaga.