Buong lalawigan ng Cavite isinailalim sa state of calamity

Idineklara na ang state of calamity sa buong probinsya ng Cavite ni Governor Boying Remulla.

Sa isang panayam, sinabi nito na ang naturang deklarasyon ay dahil marami sa mga bayan at lungsod sa Cavite ay nalubog na sa baha.

Partikular na nalubog sa baha ang mga bayan na nasa tabing dagat, katulad ng Bacoor at Imus, kung saan naitala na ang dalawang metrong lalim ng baha.

Abot naman sa dibdib ang bahang nararanasan sa bayan ng Noveleta.

Nabatid pa na 10 sa mga barangay sa nasabing bayan ang hindi na madaanan dahil sa taas ng baha.

Habang ga-tuhod naman ang baha sa Cavite City, Naic, at Tanza.

Kaugnay nito, walang pasok sa lahat ng antas, kapwa pampubliko at pribado sa buong lalawigan ng Cavite.

Read more...