Bagyong Josie bahagyang humina; tropical cyclone warning signals tinanggal na

Tinanggal na ng PAGASA ang lahat ng tropical cyclone warning signals sa bansa na naunang itinaas dahil sa bagyong Josie.

Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 330km hilaga-hilagangsilangan ng Basco Batanes.

Bahagya itong humina at Mayroong hangin na 55kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot namang aabot sa 65kph.

Patuloy itong gumagalaw pa-hilaga-hilagangsilangan sa bilis na 25kph.

Inasahang mamayang gabi o bukas ng umaga lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Josie.

Read more...