Ilang flights, kanselado ngayong July 22 dahil sa masamang panahon

 

Kinansela ang ilang flights ngayong araw (July 22), dahil sa sama ng panahong dulot ng Bagyong Josie at Habagat.

Batay sa advisory ng Manila International Airport Authority o MIAA, hindi pinahintulutang bumiyahe ang mga sumusunod na flights:

CebGo

– DG 6009/610 (Manila-Basco-Manila)

Skyjet

– M8 816/817 (Manila-Basco-Manila)

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airlines para sa rebooking ng flight o refund.

Patuloy namang magmonitor kung may iba pang flights na ikakansela ngayong araw dahil sa masamang panahon.

 

Read more...