Kris Aquino at Vice Ganda, bati na

Nagkaayos na sina Kris Aquino at Vice Ganda.

Ito ang ibinahagi ng Queen of All Media sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang maluha-luhang niyayakap si Vice Ganda.

Naganap ang reunion ng dalawa sa block screening na binuo ni Vice Ganda para sa pelikulang “I Love You, Hater’ kung saan bida rin si Aquino.

Kwento ni Aquino, nais niyang maiayos ang pagkakaibigan nil ani Vice Ganda para sa kanyang anak na si Bimby na mahal na mahal anya ang Tito Vice nito.

Makikita rin sa video ang mahigpit na yakap ni Bimby sa Unkaboggable Star.

Nagkaroon ng mga ispekulasyong nalamatan ang relasyon ng dalawa dahil umano sa mga ideya sa negosyo at partnership ni Vice Ganda sa dating asawa ni Aquino na si James Yap para sa pagbubukas ng isang restaurant-bar.

Hindi rin tinanggap ni Aquino ang offer na mapabilang sa “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” na film entry ni Vice sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Sa huli sinabi ni Aquino na nagpapasalamat sila sa ‘generosity’ at ‘effort’ na ibinigay ni Vice para suportahan ang kanilang pelikula.

My bunso never wavered in his LOVE for his Tito Vice, @praybeytbenjamin- maybe ngayon maiintindihan nyo na kung bakit nanahimik kaming nakatatanda kahit pilit gustong intrigahin. Because #satruelang we both prioritized this very loving & lovable boy… i chose @piolo_pascual’s version of THANK GOD I Found You because it was from STAR RECORDS album “We are 1” released for Bimb’s 1st birthday. Listen to the lyrics- yun po ang laman ng puso ko… i am sure @garciajoshuae & @juliabarretto are as grateful as Bimb & me are sa generosity & effort ni Vice, my asawa to support “I Love You Hater” still showing from @starcinema. 🌈

A post shared by Kris AQUINO (@krisaquino) on Jul 21, 2018 at 9:42am PDT

Read more...