Ginebra, isang panalo na lang pasok na sa PBA Finals

Isang panalo na lang ay pasok na ang Barangay Ginebra sa finals ng PBA Commissioner Cup.

Ito ay matapos talunin ng koponan ang Rain or Shine sa kanilang laban kagabi sa Mall of Asia Arena sa iskor na 75-72.

Nangunguna na ngayon ang Gin Kings sa iskor na 2-1.

Agresibo ang koponan sa unang bahagi ng laban kung saan lumobo ang kanilang lamang sa Elasto Painters sa 25 puntos.

Gayunman ay umarangakada ang Rain or Shine at naibaba ang lamang sa dalawang puntos sa natitirang 9 na segundo ng laban.

Aminado si Coach Tim Cone na hindi masyadong maganda ang pagkapanalo ng Ginebra na halos muntikan na ulit matalo matapos ang pagbawi ng kalabang koponan sa second half.

Nanguna sa Ginebra at sa kabuuang laro si Justin Brownlee na nagtala ng 44 na puntos.

Sinundan ito ni LA Tenorio na may 13 puntos habang nanguna para sa Rain or Shine si Reggie Johnson sa kanya ring 13 puntos.

Magaganap ang Game 4 sa Monday, ala-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Read more...