Orange warning level itinaas sa Metro Manila, Bataan at Rizal

Patuloy ang mga pag-ulang dala ng Habagat na hinahatak ng Bagyong Josie.

Bunsod nito, sa 01:30 AM advisory ng PAGASA, itinaas ang orange warning level sa Metro Manila, Bataan at Rizal.

Ibinabala ang banta ng pagbaha sa mga nabanggit na lalawigan.

Samantala, yellow warning naman ang nakataas sa Bulacan at Northern Quezon.

Posible rin ang pagbaha sa mga mabababang bahagi ng mga naturang lugar ayon sa PAGASA.

Samantala, nakararanas ngayon ng mahihina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Batangas, Zambales, Cavite, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna at nalalabing bahagi ng Quezon na maaaring tumagal ng tatlong oras.

Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management councils na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon at antabayanan ang susunod na advisory ng PAGASA mamayang alas-4 ng umaga.

Read more...