Josie, bahagyang bumagal habang papalapit sa Babuyan Group of Islands

Bahagyang bumagal ang Bagyong Josie habang tinatahak ang direksyon patungo sa Babuyan Group of Islands.

Sa 11PM press briefing ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 65 kilometro Kanluran-Timog-Kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Mabagal ang kilos nito sa bilis na 15 kilometro kada oras sa direksyong Silangan-Hilagang-Silangan.

Nakataas ang signal no. 1 sa Batanes, Northern Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Ilocos Sur, Apayao at hilagang bahagi ng Abra.

Inaasahang lalakas pa ang Bagyong Josie at magiging isang tropical storm ngayong hapon.

Lunes ng hapon o gabi ay inaasahan na itong lalabas ng ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay may kalakasan na kalat-kalat nap ag-uulan ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera, Zambales, Nueva Ecija at Tarlac.

Mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon at Mindoro Provinces.

Samantala, isang low pressure area (LPA) pa ang binabantayan sa labas PAR at may posibilidad na maging bagong bagyo.

Read more...