Si Marcos ay magpapagamot sa nasabing bansa para sa kanyang sakit na pneumonia at iba pang posibleng sakit gaya ng sepsis.
Sa desisyon ng Sandiganbayan, pinayagan si Marcos na magbiyahe mula October 26 hanggang November 9.
Naghain naman ng travel bond si Marcos sa P630,000 para matiyak na siya ay tutugon sa mga kondisyong inilatag sa kaniyang pagbiyahe.
Ang dating unang ginang ay nahaharap sa 10 bilang ng kasong graft sa Sandiganbayan 5th Division na may kaugnayan sa umano ay illegal financial interests sa ilang private companies noong siya ay miyembro pa ng Interim Batasan Pambansa mula 1978 hanggang 1984.
May kasong sibil din si dating unang ginang Marcos sa Sandigabayan dahil sa umano ay ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.