Sa kabila ng payo ng kanyang supporters na huwag dumalo, kinumpirma ni Robredo na magiging bahagi siya ng taunang talumpati ng Pangulo sa July 23.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, bilang lider ng oposisyon ay responsibilidad niyang maging present sa SONA.
Hindi umano alintana ni Robredo sakaling insultuhin o hiyain siya ni Duterte sa SONA.
Sanay na raw si Robredo sa patutsada ng Pangulo at hindi naman siya mababawasan kahit siya ay insultuhin.
Inaasahang marinig ni Robredo sa SONA ang plano ng Pangulo kung paano resolbahin ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang problema sa ekonomiya ng bansa.