CHR, hinimok ang BI na muling suriin ang deportation order kay Sister Fox

Inquirer file photo

Hinimok ng Commission on Human Rights ang Bureau of Immigration na muling ikunsidera ang desisyon na palayasin sang Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Ipinahayag ni CHR Jacqueline De Guia ang pagkadismaya sa deportation order ng BI kay Fox. Aniya, hindi kasalanan ang gumawa ng humanitarian work bilang bahagi ng religious mission para sa mahihirap na komunidad.

Iginiit ng CHR na dapat na mamayani ang mga prinsipyo ng karapatang pantao sa paghihiwalay sa humanitarian work at sa political activity.

Sinabi rin ni De Guia ang deportation order kay Fox ay banta sa mga dayuhang human rights workers na nagtatrabaho sa bansa.

Batay sa kautusan ng BI, ikinukunsiderang undesirable alien si Fox at lumabag umano siya sa mga limitasyon at kundisyon para sa kanyang missuonary visa.

Ayon sa BI, lumahok kasi si Fox sa political activities.

 

Read more...