3 drug pusher patay sa barilan sa Biñan City, Laguna

Patay ang tatlong drug suspect makaraang manlaban sa mga pulis sa isang buy bust operation sa Binan City, Laguna Biyernes ng gabi.

Isang Alyas Amang na lider umano ng isang drug group ang target ng operasyon pero mabilis na nakatunog ang mga ito na pulis ang kanilang ka-transaksyon.

Dito na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga miyembro ng San Pedro at Binan City Police na mabilis namang gumanti ng putok.

Bukod sa suspek, dalawa pang kasamahan nito ang nabaril.

Nabawi sa napatay na drug personalities ang ilang sachet ng shabu

Read more...