Sinabi ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Sec. Eliseo Rio na naayos na nila ang ilang mga balakid sa pagpasok ng ikatlong telco.
Para matiyak ang mahusay na serbisyo sa komunikasyon ay binalangkas ng oversight committee ang pagbuo ng Highest Level of Servcice (HCLoS) na siyang pantapat sa serbisyo ng Globe at Smart.
Kasama sa nasabing komite ang Department of Finance, Office of the Executive Secretary at Office of the National Security Adviser.
Sa susunod na buwan ay ilalabas na ng DICT ang draft sa terms of reference (TOR) na siyang gagawing basehan sa pagpili ng mga telco companies na gustong pumasok sa bansa.
Kung masusunod ang timeline, sinabi ni Rio na titiyakin nilang magiging competitive sa international standards ang serbisyo sa internet, call at text ng mapipiling telco.
Sa pagpasok ng bagong player sa telecom industry ay higit rin na mas magiging mura ang serbisyo na nauna nang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.