Dating vice-mayor sa Maguindanao patay sa ambush

Patay ang isang dating Vice-Mayor ng Sultan Sabarongis, Maguindanao makaraan itong pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek pasado alas-nueve ng gabi ng Biyernes sa Tacurong City.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Datu Roger Lagawan Mamalo, 63-anyos na residente rin sa nasabing lungsod.

Pauwi na ang nasabing biktima sa kanilang bahay sakay ng kanyang SUV nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.

Sinabi ng ilang mga saksi na kaagad na pinaulanan ng mga bala ng Cal. 45 ang sasakyan ng dating opisyal bago mabilis na tumakas ang mga salarin.

Apat na mga tama ng bala ang bumaon sa katawan ng biktima na siyang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Isang team ang kaagd na binuno ng Tacurong City PNP para imbestigahan at tugisin ang mga suspek sa pamamaslang.

Blangko pa rin sa kasalukuyan ang mga kaanak ng dating sa opisyal sa kung ano ang motibo sa nasabing pamamaslang.

Read more...