Binawian ng buhay ang 17 katao na pawang mga turista matapos lumubog ang kanilang sinasakyang amphibious ‘duck boat’ Missouri, USA.
Lumubog ang bangka ilang oras matapos maglabas ng multiple severe weather advisory ang National Weather Service.
Ayon sa Meteorologist na si Kelsey Angle, isang severe thunderstorm watch ang unang inilabas sa lugar kung saan pumapalo ang hangin sa 70 miles per hour.
Ayon kay Stone County Sheriff Doug Rader, narekober na ang lahat ng mga labi sa nasabing aksidente.
Pawang nasa 1-year old hanggang 70 years old ang mga nasawi sa trahedya ayon sa Missouri High Patrol.
Tatlumpu’t isa ang kabuuang bilang ng sakay ng bangka ay kabilang sa mga nakaligtas ay ang kapitan nito.
Lumubog sa lalim na 80 feet ang bangka.
Samantala, nagpaabot na rin ng pakikiramay si US President Donald Trump sa trahedya.
My deepest sympathies to the families and friends of those involved in the terrible boat accident which just took place in Missouri. Such a tragedy, such a great loss. May God be with you all!
— Donald J. Trump (@realDonaldTrump) July 20, 2018