Pinag-uusapan sa Twitter ang trailer ng Filipino adaptation ng Korean hit film na ‘Miss Granny’ na pinagbibidahan ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo.
Halos isang oras matapos i-upload ang trailer sa Youtube ay agad nitong nasungkit ang top spot sa Twitter Philippines.
Sa ngayon ay mayroon na agad itong higit 4,300 likes sa Youtube.
Ang naturang pelikula ay tungkol sa kwento ng isang matanda na nagngangalang Fely na ginampanan ni Nova Villa.
Si Fely ay nabigyan ng pagkakataong maging batang muli matapos bumisita sa isang misteryosong photo studio.
Ilan naman sa mga netizens ang nagsabing lalo silang na-excite matapos mapanood ang trailer.
I saw the original version of this one, and trailer palang ng ph version nakakaexcite na and goosebumps me! Ganda! #MissGrannyPHFullTrailer
— Hakuna Matata (@devkitrash1997) July 20, 2018
In less than 30 minutes after it was released, top trending in the Philippines! 👌#MissGrannyPHFullTrailer Seems everyone is excited about the movie! 😍
Why so cute? 🎀 pic.twitter.com/f1oL20X0DL
— Dezzα (@_somedayinparis) July 20, 2018
Samantala, bida rin sina James Reid at Xian Lim sa nasabing pelikula na isinagawa sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.
Ayon sa Viva Films, ipalalabas sa mga sinehan sa buong bansa ang pelikula sa August 22.