‘Bigtime’ rollback sa oil products, inaasahan sa darating na Linggo

Inaasahan ang malaking tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, papalo ang bawas sa kada litro ng diesel sa P1.18.

Ang gasolina naman ay mababawasan ng P1.16 kada litro habang P1.32 naman ang tapyas sa kada litro ng kerosene o gaas.

Inaasahang sa Martes ipatutupad ang oil price rollback.

Read more...