Pampasaherong bangka lumubog sa Occ Mindoro; halos 70 sakay, nailigtas

Courtesy of PCG

Isang pampasaherong bangka ang lumubog sa karagatang sakop ng Mindoroo Occidental makaraang hampasin ng malakas na alon.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nailigtas naman ang lahat ng 57 pasahero at 10 mga crew ng MV Lucky Benjamin.

Patungo ng Agkawayan sa Looc, Occidental Mindoro ang bangka at galing ng Calatagan Port sa Batangas.

Naibalik din agad sa Calatagan Port ang mga nailigtas na pasahero at crew.

 

Read more...