Resignation ng obispo sa Honduras na nasangkot sa sexual misconduct tinanggap ni Pope Francis

Tinanggap na ni Pope Francis ang resignation ng isang obispo sa Honduras inakusahan ng sexual misconduct.

Ipinag-utos ng Santo Papa ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban kay Tegulcigalpa Auxiliary Bishop Juan José Pineda Fasquelle noong nakaraang taon makaraang matanggap ang mga reklamo na nangmomolestya ito ng mga seminarista.

Nnagsumite ng resignation si Pineda sa Vatican at tinanggap naman ito ng Santo Papa.

Si Pineda ay top deputy ni Cardinal Oscar Rodriguez Maradiaga ng Honduras.

Kadalasang iniiwan ni Maradiaga kay Pineda ang pangangasiwa sa archdiocese dahil sa mga obligasyon ng cardinal.

Read more...