Ito ay para ma-accommodate ang mga kliyente na naapektuhan ng problema sa ATM at electronic channels ng Landbank.
Sa abiso ng Landbank bukas ang kanilang mga branch bukas, July 21, mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 3:30 ng hapon.
Sinabi ng Landbank na ang kanilang mga kliyente ay maaring mag-transact over the counter sa mga branch na bubuksan.
Para sa Metro Manila, bukas ang lahat ng branch ng Landbank bukas, habang para sa mga lalawigan, maaring i-click ang link na ito (https://bit.ly/2NwrGd0) para makita ang mga branch na magbubukas.
Mula Huwebes ng gabi nagkaroon ng problema ang lahat ng electronic channels ng Landbank at mga ATM sa buong bansa.