Bagong assistant secretary sa DOT nanumpa sa pwesto

DOT Photo

Nanumpa na sa pwesto ang bagong assistant secretary sa Department of Tourism na si Asec. Roberto Alabado III.

Si Alabado ay maninilbihan bilang Asec. for Tourism Development and Planning.

Nanumpa si Alabado kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Itinalaga si Alabado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto noong July 10 bilang kapalit ni Asec. Arlene Mancao.

BAgo ang pagkakahirang sa kaniya bilang DOT Asec. si Alabado ay nanilbihan bilang DOT regional director sa Davao mula 2015 hanggang 2018.

Saglit din niyang pinamunuan bilang direktor ang Medical Travel and Wellness Tourism ng Office of Product & Market Development ng DOT.

Read more...