Tatlong pagpipilian na maaring ipalit kay Ombudsman Morales inilabas ng JBC

May tatlong pagpipilian si Pangulong Rodrigo Duterte na maaring pumalit sa magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Inilabas na ng Judicial and Bar Council ang listahan at magkakasama dito sina Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval at ang abogadong si Felito Ramirez.

Nakuha ni Martires ang lahat ng anim na boto mula sa JBC, lima kay Sandoval at apat kay Ramirez.

Nadiskuwalipika si Labor Sec. Silvestre Bello III dahil sa diumanoy nakabinbing kaso ng syndicated estafa sa DOJ.

Dumipensa na si Bello sa alegasyon sa pagsasabing paninira lang ito sa kanya.

Read more...