May kinalaman ito sa milyon-milyong ginastos ng PCOO sa renta ng mga kagamitan, sasakyan at internet service na ginamit sa nabanggit na summit noong nakalipas na taon.
Sa pahayag ni Atty. Marvin Gatpayat, Undersecretary for Legal Affairs ng PCOO, tiniyak nito na pinaiimbestigahan na nito ang mga opisyal nila na sangkot sa mga kinukuwestiyong procurement activity sa ASEAN.
Kabilang dito ang dalawang deputy officials ng PCOO at tatlong iba pa na pumirma sa mga kontrata para sa ASEAN summit.
Sinabi din nito na inaasahan nilang makumpleto at mailabas ang resulta ng kanilang pagsisiyasat sa loob ng 10-araw.
Inirerespeto din ng PCOO ang findings ng COA na ginagampanan lamang ang mandato nito na tiyaking nagagamit ng tama ang pondo ng bayan.
Tinitiyak din ng opisyal na walang cover-up sa iimbestigasyon nila sa mga kasamahan nilang opisyal sa PCOO.