Acting CJ Antonio Carpio hindi dadalo sa SONA

Hindi dadalo si Acting Chief Justice Antonio Carpio sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 23.

Ayon kay House Secretary General Cesar Pareja, nagpasabi na si Carpio na siya ay hindi dadalo nang ito ay padalhan ng imbitasyon.

Hindi naman alam ni Pareja kung ano ang dahilan ni Carpio.

Una nang sinabi ni Pareja na hindi rin dadalo si dating Pangulong Benigno Aquino III sa SONA.

Habang si Vice President Leni Robredo naman ay nagkumpirma na ng kaniyang pagdalo.

Read more...