Paggamit ng PCOO sa 2017 ASEAN Summit nakitaan ng anomalya ng COA

Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ito ay makaraang makataan ng anumalya ng COA ang paggastos ng PCOO sa pondo na ginamit para sa Asean Summit noong 2017 na ginanap sa bansa.

Sa audit report ng COA, partikular na tinukoy ng COA ang paggastos ng PCOO ng P27,503,535.40 para sa pagbili ng mga gamit at pagbayad sa mga serbisyo at P7,265,450 na ginamit naman sa pagrenta ng mga van.

Kinuwestyon din ng COA ang PCOO sa pagrenta nito ng IT equipment kung saan umabot sa P4,039,140 ang ginastos.

Ayon sa COA, mas nakatipid pa sana ang PCOO kung bumili na lang ito ng mga IT equipment kaysa nagrenta.

Lumilitaw kasi sa imbestigasyon ng coa na P964,872 lang sana ang nagastos kung binili ang mga gamit.

Read more...