Yellow warning nakataas pa rin sa Zambales

Nakataas pa rin ang yellow rainfall warning sa lalawigan ng Zambales base sa 1PM rainfall advisory ng PAGASA.

Nangangahulugan itong patuloy na nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang nasabing lalawigan.

Samantala, malakas na buhos ng ulan na mayroong pagkulog-pagkidlat at malakas na hangin ang nararanasan sa Metro Manila, Laguna, Batangas at Quezon.

Ang nasabing lagay ng panahon ay nararanasan din sa Rizal at Cavite.

Light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos din ng ulan ang nararanasan sa Bataan, Tarlac, Pampanga, at Bulacan.

Read more...