10 ang patay sa bumaligtad na tourist boat sa lawa sa Missouri

Isang tourist boat ang bumaligtad habang nasa lawa ng Missouri.

Ayon sa mga otoridad, sakay ng tourist boat na tinatawag na “Rides the Ducks” ang 31 katao kabilang ang mga bata nang ito ay bumaligtad.

Sampu ang agad na nasawi sa nasabing insidente.

Habang mayroong pitong katao na ginagamot sa ospital.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ilan ang bilang ng mga nawawala.

Read more...