Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) madaling araw ng Lunes, July 23, sarado na ang kahabaan ng eastbound lane ng Commonwealth Avenue simula sa Tandang Sora hanggang sa Batasan.
Ang mga motorista ay pinapayuhan na iwasan ang nasabing ruta para hindi maabala.
Para makaiwas sa traffic, ang mga motorista na galing Fairview patungo ng Elliptical Road ay pinapayuhang dumaan sa Fairlane Street, kanan sa Dahlia Avenue, kaliwa sa Lilac o Chesnut Street, kanan sa Republic Avenue, Don Gregorio Road, Old Sauyo patungong Mindanao Avenue.
Kung galing naman sa Elliptical Road at magpupunta sa Fairview ay maaring kumanan sa Visayas Avenue, kaliwa sa Congressional Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan muli sa Old Sauyo Road o Quirino Highway patungo sa destinasyon.
Pwede ring alternatibong ruta ang North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Old Sauyo Road o Quirino Highway.