Isa pang LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Isa pang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA.

Huling namataan ang nasabing LPA sa 475 kilometers West ng Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, maliit naman sa ngayon ang tsansa na maging isang bagyo ang LPA.

Gayunman, sa susunod na 24 oras ay lalapit ito sa Hilagang bahagi ng Luzon pag-iibayuhin pa rin nito ang Habagat na na maghahatid ng pag-ulan sa bansa.

Dahil sa bagyong Inday at sa LPA na nasa labas ng bansa, sinabi ng PAGASA na mananatiling maulan ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon ngayong weekend.

Read more...