Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 925 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes
Taglay na nito ngayon ang lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA patuloy na palalakasin ng bagyong Inday ang Habagat na maghahatid ng malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija.
Habang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon hanggang bukas araw ng Sabado.
Bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.