Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Sabtang sa lalawigan ng Batanes.

Naitala ang lindol sa 44 kilometers north west ng Sabtang, alas 9:39 ng umaga.

May lalim na 23 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol naitala ang Intensity I sa Basco, Batanes.

Unang sinabi ng Phivolcs na 3.8 magnitude ang tumamang lindol pero kalaunan ay itinaas ito sa magnitude 4.0.

Read more...