PHIVOLCS magdaraos ng National Media Summit

May isasagawang National Media Summit ang PHIVOLCS bilang bahagi ng selebrasyon ng Natioanl Disaster Resilience Month.

Ang summit ay gaganapin sa July 27, 2018 sa PHIVOLCS Auditorium sa PHIVOLCS Building sa CP Garcia Avenue, UP Campus, Diliman, Quezon City.

Ayon sa PHIVOLCS layunin nitong mabigyang kaalaman at mas sapat na pag-unawa ang mga mamamahayag sa mga “technical jargon” na ginagamit sa mga kalamidad gaya ng lindol, tsunami at pagputok ng bulkan.

Sa pamamagitan nito, mas magiging epektibong maipaparating sa publiko ang mga impormasyon.

Para sa mga interesadong lumahok sa summit, sinabi ng PHIVOLCS na maaring tumawag sa kanilang hotline 927-4524.

Read more...